Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Mart DeHaan

Magkasundo

Naririnig ko ang aking ama noon na mahirap daw tapusin ang pag-uusap kung saan magkakasalungat ang pagkakaintindi ng bawat isa sa Biblia. Pero mahirap man na hindi sila magkakapareho ng pananaw, maganda naman kapag sumasang-ayon sila na magkakaiba talaga ang kanilang pagkakaintindi sa Biblia.

Posible nga ba na isantabi natin ang pagkakaroon natin ng magkakasalungat na pananaw? Isa ito sa mga…

Hindi Inaasahan

Noong 1986, nalaglag ang 5 taong gulang na si Levan Merritt at napunta sa kulungan ng mga gorilya. Habang humihingi ng saklolo ang kanyang mga magulang at ibang mga naroon, isang malaking gorilya na nagngangalang Jambo ang lumapit kay Levan. Marahang hinaplos ni Jambo ang likod ni Levan habang hinaharangan ang ibang gorilya para hindi makalapit sa bata. Hanggang ngayon, ikinukuwento…

Nawalan ng Alaala

Sumaklolo agad ang mga doktor sa isang babae na taga Australia na biglang nawalan ng kanyang memorya. Siya ay nagkaroon ng amnesia. Hindi niya matandaan ang mga detalye ng kanyang pagkatao. Wala siyang pagkakakilanlan. Hindi maibigay ng babae ang mga impormasyon tungkol sa kanyang sarili gaya ng kanyang pangalan at tirahan. Nagtulong-tulong ang mga doktor at mga mamamahayag upang manumbalik ang…

Dakilang Likha ng Dios

Nakasanayan na natin ang magbigay ng puna sa ating paligid. Si DeWitt Jones ay isang photographer ng National Geographic. Ginagamit niya ang propesyon niya para ipakita ang kagandahan ng mundo. Sa pamamagitan ng kamera niya ay kumukuha siya ng larawan ng mga magagandang bagay sa paligid niya.

Kung meron mang tao sa mundo na nararapat magalit sa nangyayari sa kanyang paligid…

Pagpapatawad ng Dios

Nung bata pa ako ay pinapanood ko ang tatay ko habang nagsasaka siya sa bukid. Una niyang binubungkal ang malalaking bato. Unti-unting nababasag ang mga ito para maging malambot na lupa. Kinakailangan ng tatay ko na ilang ulit magpabalik-balik sa pag-aararo para makakuha ng malambot na lupang pagtataniman.

Ang paglago naman sa buhay espirituwal ay katulad din ng pagtatanim at pag-aararo.…

Dakilang Manggagamot

Laging tinatanong ng doktor na si Rishi Manchanda ang mga pasyente niya kung saan sila nakatira. Pero, hindi lang ang pangalan ng lugar ang nais malaman ni Dr. Manchanda kundi ang kalagayan ng lugar mismo. Madalas kasi ang mga insekto, amag o usok sa lugar ang dahilan ng sakit ng mga pasyente niya.

Kaya naman, habang binibigyan ng gamot para gumaling…

Anak ni David

Umalma ang gobyerno ng bansang Italy nang baguhin ng isang kumpanya na gumagawa ng patalastas ang larawan ng estatwa ni Haring David. Makikita kasi sa larawan na baril ang hawak ni David sa halip na tirador. Sinabi ng isang opisyal na isang krimen ang ginawa ng kumpanya at parang pinukpok na rin nila ng martilyo ang estatwa ni David.

Kilala si…

Regalo ng Pantas

Mahalaga sa mag-asawang sina Jim at Della ang maipakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Kaya naman, nag-iisip sila kung ano ang ireregalo sa isa’t isa sa nalalapit na pasko. Ibinenta ni Della ang kanyang mahabang buhok na abot-tuhod para mabilhan niya si Jim ng regalo. Binili niya ang isang maliit na kadena para sa orasan ni Jim na minana pa…

Hindi Ako, Dapat Siya

Isa si Arturo Toscanini sa mga pinakasikat na tagapanguna ng mga manunugtog noong ika-20 siglo. Kilala siya sa kanyang ugali na ibinibigay ang parangal sa kung kanino man ito nararapat. Ikinuwento ni David Ewen sa kanyang librong Dictators of the Baton kung paanong tumayo at nagpalakpakan ang mga miyembro ng New York Philharmonic Orchestra bilang pagpaparangal kay Arturo pagkatapos nilang…